Inggit... Inis... mabuti nga ba ito sa ating pagkatao?
Madalas kapag nakikita ko ang mga picture ng mga closed friends ko or kaya mga grade school/high school/ college classmates ko na nag punta sila sa singgapore, namili sa hongkong, kumain sa Thailand, nag Boracay, Palawan at saka Bohol naiingit ako, especially kapag pinakikita nila mga napapagawa nilang mga mansion or small man na bahay at ang kanilang magagara at mamahaling sasakyan.
Di ko maiwasang mainggit at mainis... palagi kong usal sa aking sarili ano pa kaya need kong gawin para lang maabot ko rin ang naabot nila, ano pa kaya ang dapat kong gawin ng marating ko rin ang narating nila...
minsan natatanong ko ang aking sarili kapag nakaharap ako sa salamin
"Kulang pa ba ang determinasyon ko sa buhay? ang pagsusumikap ko? baka kailangan na mag 24 hours na akong mag hanap buhay para lang matamasa ko rin ang sarap ng buhay katulad nila?"
Na-i-ingit man ako at naiinis sa aking sarili, pero ito ay magsisilbing inspirasyon ko para mas lalo akong magsumikap sa buhay na ito.
No comments:
Post a Comment