madalas pang nanonood ako ng news sa tv panay patayan, pagtaas ng langis, pagtaas ng bilihin, bagyo o kaya naman lindol. meron pa ngang stunami at tornado na kumikitil ng buhay ng tao, sumisira sa kalikasan at nagdudulot ng kaguluhan, kalituhan sa mga tao kung nalalapit na nga ba ang katapusan ng mundo?
kaya minsan ayaw ko nang manood ng tv kahit makinig sa radio at magbasa ng dyaryo... kasi lagi na lang pangit ang nakikita at napapakinggan kong balita.
kapag naman naglalakad ako sa mall madalas may nagaabot sa akin ng pamplet na isang religious group na ang tema sa unahan "MALAPIT NA ANG KATAPUSAN", o kaya naman kapag nakasakay ako sa dyeep o buss ay may biglang magsasalita sa unahan about katapusan....
nakakatakot "OO" pero, sa kabilang banda mas maganda nga siguro araw araw iisipin ng bawat tao na malapit na nga ang katapusan ng mundo, para sa ganun eh araw araw masabi natin sa mga taong mahal natin sa ating buhay na kung gaano natin sila pinahahalagahan at kamahal. na ilbis na magalit ka at mainis sa araw araw na pamumuhay mo na paulit ulit eh matuwa ka at maenjoy natin ang bawat segundo ng ating buhay na pinahiram lang sa atin ng nasa taas. na metras mabuwisit ka sa mga taong kinaiinisan mo eh subukan mong pasukin ang kanilang pagkatao, para lubos mong maunawaan sila, tulad mo ganun din ang gagawin ng mga tao sa paligid mo kung araw araw eh iisipin nila na bukas eh KATAPUSAN na... marahil siguro kapag araw araw natin iniisip na KATAPUSAN NA NG MUNDO BUKAS eh....
" we can easily spread love, respect, and understanding."
tuloy bigla kong naisip paaano na kaya kung talagang BUKAS eh KATAPUSAN NA NG MUNDO... HANDA ba ako?
ngayon hanggat may pagkakataon pa tayo at oras.... alamin natin, tuklasin natin, ang tunay na pinahihiwatig ng lumikha sa ating lahat, kung iisipin mo ang magaganap na nakakapang hilabot na katapusan , matatakot ka....ngunit mas dapat mong isipin sa ngayon pagkatapos maganap iyon eh, may isang bagong simula ... simula na pamumuhay sa piling nang poong may kapal. (diba mas masarap iyon ang mabuhay kasama ang diyos sa langit)
nasa atin mga kamay ang kasagutan kung paano! alamin mo.... hanggat may panahon pa.
No comments:
Post a Comment