23.8.11

the facebook


adik ka ba sa facebook?
yung tipong di ka makakatulog kung di ka mag lolog- in in that day.
parang kulang ang  araw mo kung di ka  nakapaglog-in.

ano nga ba meron sa facebook?
 mga litrato ng mga kaibigan mo or malapit na tao sayo 
sa ibat ibang lugar na magagalaan.
mga kinain nila, mga binili nila, at kung ano ang meron sa kanila.

 facebook a social networking site, uso oo nasa trend kung baga, 
you can easily found a long lost friend or relative in this way,  you can easily get in touch with them,
pero kung titignan mo  in the negative side para sa akin isa itong payabangan na site.payabangan kung saan ka na nakarating, kung ano ang meron ka, at mga nakain mo.

hays.... tama bang ilagay mo dun kung ano ang kakainin mo mamayang gabi,
kung saan ka pupunta sa weekends, or kaya naman  e kung anong latest gadgets meron ka,
pagyayabang un hindi ba?
nakakadismaya lang  kasi sa mga taong hindi marunong umintindi  at gamitin ito ng wasto is parang nagiging site ng pagyayabang ang facebook.



17.6.11

INGGIT INIS MABUTI BA ITO?

Inggit... Inis... mabuti nga ba ito sa ating pagkatao?

Madalas kapag nakikita ko ang  mga picture ng mga closed friends ko  or kaya mga  grade school/high school/ college classmates ko na nag punta sila sa singgapore, namili sa hongkong, kumain sa Thailand, nag Boracay, Palawan at saka Bohol naiingit ako, especially kapag pinakikita nila mga napapagawa nilang mga mansion or small man na bahay at ang kanilang magagara at mamahaling sasakyan.

Di ko maiwasang mainggit at mainis... palagi kong usal sa aking sarili  ano pa kaya need kong gawin para lang maabot ko rin ang naabot nila, ano pa kaya ang dapat kong gawin ng marating ko rin ang narating nila... 
minsan natatanong ko ang aking sarili  kapag nakaharap ako sa salamin
"Kulang pa ba ang determinasyon ko sa buhay? ang pagsusumikap ko? baka kailangan na mag 24  hours na akong mag hanap buhay para lang matamasa ko rin ang sarap ng buhay katulad nila?"

 Na-i-ingit man ako at naiinis sa aking sarili, pero ito ay magsisilbing inspirasyon ko para mas lalo akong magsumikap sa buhay na ito.



25.5.11

BUKAS... KATAPUSAN NA NG MUNDO..





madalas pang nanonood ako ng news sa tv panay patayan, pagtaas ng langis, pagtaas ng bilihin, bagyo o kaya naman lindol. meron pa ngang stunami at tornado na kumikitil ng buhay ng tao, sumisira sa kalikasan at  nagdudulot ng kaguluhan, kalituhan sa mga tao kung  nalalapit  na nga ba ang katapusan ng mundo?

kaya minsan ayaw ko nang manood ng tv kahit makinig sa radio at magbasa ng dyaryo... kasi lagi na lang pangit ang nakikita at napapakinggan kong balita.

kapag naman naglalakad ako sa mall madalas may nagaabot sa akin ng pamplet na isang religious group na  ang tema sa unahan "MALAPIT NA ANG KATAPUSAN", o kaya naman kapag nakasakay ako sa dyeep o buss ay may biglang magsasalita sa unahan about katapusan....

nakakatakot "OO" pero, sa kabilang banda mas maganda nga siguro araw araw iisipin ng bawat tao na malapit na nga ang katapusan  ng mundo, para sa ganun eh araw araw masabi natin  sa mga taong mahal natin  sa ating  buhay na kung gaano natin sila pinahahalagahan at kamahal. na  ilbis na magalit ka at mainis sa araw araw  na pamumuhay mo na paulit ulit eh matuwa ka at maenjoy natin ang bawat segundo ng ating buhay na pinahiram  lang sa atin ng nasa taas. na metras mabuwisit  ka sa mga taong kinaiinisan mo eh subukan mong pasukin ang  kanilang pagkatao, para lubos mong maunawaan sila, tulad mo ganun din ang gagawin ng mga tao sa paligid mo kung araw araw eh iisipin nila na bukas eh KATAPUSAN na... marahil siguro  kapag araw araw natin iniisip na KATAPUSAN NA NG MUNDO BUKAS eh....

" we can  easily spread love, respect, and understanding."

tuloy bigla kong naisip paaano na kaya kung talagang BUKAS eh KATAPUSAN NA NG MUNDO... HANDA ba ako?

ngayon hanggat may pagkakataon pa tayo at oras.... alamin natin, tuklasin natin, ang tunay na pinahihiwatig ng lumikha sa ating lahat, kung iisipin mo ang magaganap na nakakapang hilabot na katapusan , matatakot ka....ngunit mas dapat mong isipin sa ngayon pagkatapos maganap iyon eh, may isang bagong simula ... simula na pamumuhay sa piling nang poong may kapal.   (diba mas masarap iyon ang mabuhay kasama ang diyos sa langit) 
nasa atin mga kamay ang kasagutan kung paano! alamin mo.... hanggat may panahon pa.                                   



KANYA KANYA





kanya kanya lang tayo ng problema sa buhay.
kala mo walang problema at hinanakit ang ibang tao. 
kala mo malakas ang loob nila at kaya nila lahat. 
hindi mo lang nakikita pero nadadapa rin sila, 
nasasaktan at umiiyak gaya mo.

kanya kanya lang talaga tayo, ng mga dalahin sa mundong ito.
nasa ating mga kamay kung paano natin dadalhin.
kung paano natin susulusyunan at lalabanan ang mga ito.
nasa sa atin lang kung papadaig ba tayo or pagtatagumpayan ba  natin
ang bawat pagsubok at hamon na dumarating.

kanya kanya lang talaga tayo.....



10.2.11

PRETENTION

I do not pretend to be as good
Simply showing the way it should
I`ve made it clear to where I stood
But all the time they misunderstood.

I`ve shown them beauty, madness and reality
But what they`ve done is purely stupidity
Learning toward some people insanity
Dictates them softly of something unworthy

People who don`t care about people
In everything they do, they won`t be able
When they walk, their feet above their heads
As If I where you, I just wish I was dead

Some damn people are holding some rights
With their crazy puppets on their sides
Asking their background of credibility
A truthful fact of greedy and immorality

In a short period of observing at them
Looks like I’m watching some hilarious film
No word can describe them perfectly
But I tell you now, they are threat to everybody.

25.1.11

Thank You

Thank you is the only word that overflows into my heart.
Thank you is the only precious gift that i can give you worthy.
Thank you is the only way that i can show you, that you are highly appreciated.
 Thank you is the only thing that shows the world  how much you have a golden heart, 
once that i whisper this words in to your ears ,
it can easily created a smile in your lips. 

Now  my heart confessed into this white paper through out my poet's tongue,
How much I am Lucky to have you in my life.
How much you bring sunshine in every morning I have.
Why this two simple words, Do I need to whisper you every morning.
Why do I need to iterate more times to you to say this " two sweet words"
every time you light up my feelings.

Now You know, Why did I need to say this to you
Because I have more luck than a billionaire...to have you.
Because You are my Sunshine in my morning.
Because you deserved to hear this "two sweet words", because you have a good heart.
Because  your personality contributes a deep meaning in this word.
Its Simply because you are.



6.1.11

bagong taon! Bagong Pagasa

Bagong taon na naman! 
sadyang kay bilis ng panahon.
sa bawat pagtakbo ng minuto at ng  mga oras 
dumadagdag rin ang ating mga edad.
have you ever wonder na hindi ka bumabata, 
bagkus tumatanda ka pa.
pero parang ang siste ay  paulit ulit lang, para syang isang pattern sa ating buhay. 
tulog... kain...ligo.... pasok sa trabaho or kaya sa negosyo, 
or kaya naman ay sa bahay lang isang dakilang tambay
na para bagang pensionada at pensionado na lagi nakahilata.
magbago bago naman tayo! bagong taon na.
(Sige ka hindi mo na mababalikan pa ang bawat segundong nawala sayo kung lagi kang nakahilata).
Just be positive sa lahat ng bagay.At enjoy life. always smile. ganun lang yun!
kahit minsan ay parang feeling mo ay against all odds  ka
 or kaya naman eh badtrip ka sa buong mundo. 
just put smile in your lips and enjoy life. 
Tandaan!
kung nasa ilalim ka ngayon tiyak pag bukadkad ng panibagong araw 
may darating rin pagbabago sayo  na sya mong inaasam.
 (ang buhay ay weather weather lang). 
habang nasa atin pa ang buhay na ipinahiram sa atin ng poong may kapal,
matuto tayong mangarap, lumaban ng parehas sa hamon ng buhay, makisama 
at manalig sa ating sarili at sa taas.
Dahil bawat taon or bawat araw na dumadating sa atin ay  simbolo ng pagasa.
Pag asa na makita mo ang liwanag at totoong kabuluhan ng iyong buhay sa mundong ito.
Bagong taon na naman!
at sa bawat bagong taon na dumarating sa atin maraming pagsubok na syang kakaharapin natin.
Subalit lagi mong iisipin  sa nagdaang taon,
nakaya mong lampasan ang lahat ng pagsubok at dagok sa buhay....
tiyak makakayanan mo rin lampasan ang mga darating pang pagsubok
sa panibagong taon na syang tatahakin mo pa.
basta ipagkatiwala mo lang sa taas at buong tapang mong harapin ang lahat.