27.10.10

MAHAL KITA



"Mahal kita”
Hindi lamang para sa kung ano at sinu  ang IKAW,
Ngunit Mas higit kung ano at sinu ang nagiging AKO Kapag magkasama tayo.

“Mahal kita”
HINDI lamang sa  iyong mapagmahal na kamay
Na ginamot ang  aking wasak na  puso….
At hinahaplos ang Aking  mangmang na kaisipan , at ang  aking mga kahinaan.

“Mahal kita”
HINDI lamang sa katuang kita para
Makita ko ang maliwanag na bukas
At hindi rin lamang sa  nakaka-agapay kita
Sa aking paglabas sa dilim na aking nakasadlakan
bugsod ng aking nakaraan.

“Mahal kita”
HINDI dahil nakikita mo  ang mga magagandang
BAGAY sa aking pagkatao,
Kahit sa kabila ng lahat ng ito
Ay walang ibang nakakapuna.

“Mahal kita”
 Dahil….IKAW ang buhay ko, IKAW ang lakas ko,
at Ang hangin  na nagbibigay ng buhay sa akin.

Mahal kita
Dahil…Hindi Ako isang TISOD para sayo,
Hindi AKO isang kapintasan para sayo, bagkus…
AKO ay isang awit  sa PUSO mo.

“Mahal kita”
Dahil…
Tinanggap mo AKO ng iyong  buong puso,na walang pagaalinlangan
Higit sa anuman at sinu man.

“Mahal kita”
Dahil…
Sa mapagmahal mong kamay na sinalat ang aking naging kapalaran
Higit sa haplos ng sinuman.

“Mahal kita”
Dahil…
Sa kinalinga mo ako….noong mga panahon
Na ako ay nasa kasadlakan… Nang walang hinihinging kapalit.

“Mahal kita”
Dahil…
Sa minamasdan mo ang mga kagandahan sa aking pagkatao,
Nang walang kaagamagam

Ikaw ay mahal kong tunay,
dahil sa haplos ng iyong pagmamahal
at lambing ng iyong salita,tunay na ang aking puso ay iyong nabighani.
Sa pamamagitan  MO sa pagiging tunay sa iyong sarili. at pagiging totoo sa pagiging IKAW.at tapat mong pagmamahal.
Kaya't 
MAHAL KITA.
 

2 comments:

  1. cool... inlab ka na nga ulit hehehe... pero leave 1 percent of that love for yourself para hatever happens you have 1 percent left to start anew...

    good luck and i hope you both happiness..

    ReplyDelete
  2. salamat sir... musta naman po ikaw? salamat sa comment at sana dumami rin makapansin ng blog ko heheheheh thank you mentor!godbless

    ReplyDelete