11.10.12

Pamilya, Paanong naging Pamilya?

Sabi nila ang bukas ay isang tanda ng bagong pag asa. Panibagong lakas, at inspirasyon .
Pero paano mo nga ba ito haharapin kung punong puno ang puso at isipan mo ng galit.
Galit sa mga bagay at taong nakapaligid sayo.
Paano nga ba maaalis ito.
Kung sa panalangin ko lang palagi idadaan walang araw na hindi ko ito inuusal.
Na sana sa bawat umagang darating sa akin ay may panibagong lakas  sa pagharap sa hamon ng buhay. na sana ay hindi ko na makaharap ang mga tao sa paligid ko  na kinakayamutan ko... 
Nakikita ko sa ngayon ang buhay ko na walang kabuhay buhay. Paano nga ba ako ulit magpapalakas. Magiging inspired ulit. Na kahit mismong mga  taong nagmamahal sa akin ay nahihirapan na akong unawain. paano kaya yun? Yung  ako naman ang maging malakas at maging sandalan niya. 
Yung ako naman ang uunawa sa kanya. 
Pero paano ko gagawin ang mga bagay na ikakapanatag ng kalooban at isipan ko. 
Paano  ako hindi maiinis sa kapaligiran ko? kung isa sa mga kinakainisan ko ay ang  pamilya ko. Minsan natatanong ko sa aking sarili. Bakit ako pa ang naging ako. Bakit sila pa ang naging pamilya ko. Kung pwede lang mamili ng pamilya ginawa ko, Pati ako nadadamay sa mga kabuwisitan nila sa buhay. 
Simple lang ang hiling ko...
 Magkaroon ng isang payak at may seguridad na buhay dito sa mundong ito.Pero ang tanong paano. kung ang pagsusumikap lang ang sasabihin nyo. Nagpupursige ako sa buhay na ito. 

Ngunit ang masaklap lang ay mismong pamilya ko ang syang naglulubog sa akin para maramdaman ko ang ganitong mabigat na pakiramdam,. kung kayat pati ang taong pinaghuhugutan ko ng lakas ay nawawalan na ng inspirasyon at gana sa buhay namin dahil na rin sa pamilyang walang silbi na syang kinabibilangan ko.




No comments:

Post a Comment